Home HEALTH 94% ng COVID bivalent vax naiturok na – DOH

94% ng COVID bivalent vax naiturok na – DOH

MANILA, Philippines – Naipamigay na ang nasa 94 porsyento ng 390,000 doses ng Covid-19 bivalent vaccines na donasyon ng gobyerno ng Lithuania.

Sinabi ni DOH Secretary Teodoro Herbosa na maganda ang rollout at ang mga bakuna ay hindi pa expired.

Ayon pa kay Herbosa hinihintay ng ahensya ang bago–ang monovalent XBB na iminungkahi na mas mahusay kaysa sa bivalent .

Ang COVAX Facility ay mayroon pa ring alok na 2 milyong dosis ng mga bivalent na bakuna sa bansa.

“We’re requesting less than 2 million kasi baka ma-expire, maiksi ang shelf life eh, so we know the rate, from how we consume it, so ‘yung tama lang hihingin natin”, ani Herbosa.

Sinimulan ng Department of Health ang pangangasiwa ng bivalent jabs bilang ikatlong booster dose sa mga healthcare worker at mga senior citizen noong Hunyo 21.

Kalaunan ay pinayagan na rin ng ahensya ang mga healthcare workers, senior citizens at immunocompromised na tumanggap bilang first at second booster doses upang mapadali ang rollout.

Samantala, sinabi ng health official na ang usapin o isyu sa dahilan ng mabagal na vaccination uptick ay hindi eksklusino sa Pilipinas .

Hindi bababa sa 78,443,972 o 100.4 porsiyento ng target na populasyon ng bansa (78,100,578) ang nabakunahan laban sa Covid-19, kabilang ang 82.16 porsiyento ng 8,721,357 senior citizens, noong Marso 19.

May kabuuang 23,811,248 ang nakatanggap ng booster shots mula sa ganap na nabakunahang populasyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)