Home HEALTH 1 sa 4 na batang Pinoy, bansot – DOH

1 sa 4 na batang Pinoy, bansot – DOH

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na nananatiling mataas ang antas ng pagkabansot o stunting ng mga bata na may 26.7 porsiyento o isa sa bawat apat na batang wala pang 5 taong gulang na mas maikli para sa kanilang edad.

Sa paglulunsad para sa Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2023-2028 sa Manila Hotel, binanggit ni Health Secretary Teodoro Herbosa na 5 porsiyento ng mga batang wala pang 5 taong gulang ang kulang sa timbang para sa taas ng isang bata.

Sa kabilang banda, may problema din aniya sa obesity sa mga bata bagamat ito ay mababa na nasa 3.9 percent ngunit habang tumatanda aniya ay tumataas ang problema ng obesity at overweight problem na mas mataas ng 14 percent o 13 percent sa mga adolescent.

Halos 50 percent ng ating populasyon ay Malaki ang problema ng nutrition anemia para sa mga kababaihan .Bukod pa ito sa kulang sa iron ang kanilang kinakain.

Ayon kay Herbosa, may mataas na prevalence ng anemia sa mga buntis na kababaihan na kasing taas ng 23 porsiyento at para sa edad ng reproductive na 10 porsiyento.

Sa pamamagitan ng PPAN, hinahangad ng gobyerno na tugunan ang lahat ng anyo ng malnutrisyon na may partikular na pagtutok sa stunting at wasting, obesity, micronutrient deficiencies at mahihirap na mga gawi sa pagpapakain ng sanggol at bata.

Sinabi ni Herbosa na ang nutrisyon ay kinikilala bilang isa sa pillars para sa socioeconomics sa bansa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)