MANILA, Philippines- Pinangkinggan ng mga tagausig o piskalya ng pamahalaan ang mga testimonya mula sa 10 Chinese nationals laban sa pito nilang mga kababayan hinggil sa illegal activities sa Pasay City-based POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) firm na sinalakay noong nakaraang taon.
Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Romeo Casio na ang mga testimonya ay karagdagang pruweba ng “illegal forced labor” at “selling” of personnel” sa Smart Web Technology Corp.
“We have identified seven of the individuals responsible who are all still in the country,” ayon kay Casio.
Ang mga isinumiteng testimonya ng 10 saksi ay susuriing mabuti ng piskalya para madetermina kung maisusulong ang kaso.
Sa pagsalakay ng anti-human trafficking task force, pinangunahan ng Department of Justice, noong nakaraang Oktubre, nabisto ang self-contained operation sa isang six-story building sa may kahabaan ng Williams Street sa Pasay City.
Ang gusali ay mayroong nine-room KTV area, isang pharmacy na mayroong physician at dalawang patient beds, isang restaurant, at isang hotpot “shabu-shabu” area.
Nadiskubre ang siyam na money vaults sa lugar.
Sinabi ng Chinese workers na itinatago sila na labag sa kanilang kalooban at ipinakita pa ng mga ito ang mga torture marks sa kanilang katawan.
Sa ulat, tinatayang may 731 manggagawa kabilang na ang pitong Plipina, ang nailigtas mula sa aquarium-style viewing chamber ng massage parlor sa ikalawang palapag ng naturang gusali.
Nauna rito, sinabi ng PAOCC na nauna nang nabigo ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na suriin ang lugar matapos na tumanggi ang gwardiya ng compound na papasukin ang inspection team. Kris Jose