Home NATIONWIDE Legal aid pangako ni Marbil sa mga pulis na nahaharap sa counter-charge

Legal aid pangako ni Marbil sa mga pulis na nahaharap sa counter-charge

MANILA, Philippines- Nangako si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil nitong Lunes ng legal assistance para sa mga pulis na nahaharap sa counter-charges.

Sa kanyang talumpati sa regular flag-raising rites sa Camp Crame, Quezon City, sinabi ni Marbil na kabilang ito sa mga pangunahing hamon na kinahaharap ng mga pulis sa pagsasagawa ng kanilang tungkulin.

“Alam ko naman lahat kayo na operatiba ang pinaka problema natin sa PNP is ‘yung mga counter charges and minsan kapag nakaka-counter charge kayo ang mga pulis natin bumubunot ng kanilang pera,” anang PNP chief.

Ayon pa kay Marbil, nais din niyang magkaroon ang mga pulis ng health insurance at inaasahan ang donasyon mula sa Public Safety Mutual Benefit Fund Inc.

“We are trying to do anything for our policemen para iisa lang ang iisipin niyo, ibibigay natin lahat para sa pulis natin pero isa lang ang request namin sa inyo. Do the best para sa mga tao natin, sa mga kliyente natin,” giit ni Marbil. RNT/SA