Home NATIONWIDE Pinoy cuisine ibinida ni PBBM

Pinoy cuisine ibinida ni PBBM

MANILA, Philippines- Bukod sa magagandang isla at beach sa bansa, kinilala rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mayamang culinary scene ng Pilipinas at binanggit ang potensyal nitong mapalago ang turismo.

Sa kanyang bagong vlog na ibinahagi sa social media nitong Linggo, pinuri ni Marcos ang kulturang Pilipino na iba saan man sa mundo.

“We’re very hospitable. Ano ‘yung pinakamagandang regalo mo sa bisita? Masarap na pagkain. Pag-alis nga ‘yung hindi nakain, ibabalot mo pa para meron silang baon. ‘Yun ang ugali ng Pilipino eh,” ani Marcos.

“Cuisine and hospitality have become such important parts of our life,” dagdag niya.

“Gastronomic tourism kung tawagin dahil nagdadala talaga ng turista ang pagkain. Food does not only feed the stomach, ika nga, it also feeds the soul,” ayon pa kay Marcos.

Ibinahagi rin niya ang mga paborito niyang Ilocano dishes tulad ng dinardaraan, bagnet, empanada at kilawin.

Gayundin, hinikayat ng Punong Ehekutibo ang mga Pilipino na isulong ang mayamang kultura at culinary heritage ng Pilipinas.

“Patuloy po nating suportahan ang ating lokal na pagkain at produkto. Suportahan natin ang ating mga MSMEs,” hikayat ng Pangulo.

“Sa mga OFWs (overseas Filipino workers), ipasubok pa natin ang mga pagkaing Filipino sa ating mga kaibigang dayuhan tapos ay imbitahin na natin dito sa Pilipinas”  dagdag niya. RNT/SA