MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos nitong Lunes na sumuko sa mga awtoridad ang most wanted man ng Samar.
Ayon kay Abalos, sumuko ang 36-anyos na si Jimmy Managaysay Elbano, na may P165,000 patong sa ulo, sa Calbayog City Police nitong Linggo ng umaga.
Si Elbano ay mayroong arrest warrants para sa six counts ng murder, four counts ng frustrated murder, two counts ng robbery with homicide, at direct assault with multiple attempted murder.
“I would like to commend the Philippine National Police, Philippine Army, and the LGUs for the surrender of the most wanted person here in Region 8. Malaking bagay po ito para sa katahimikan dito sa rehiyon,” pahayag ni Abalos.
Samantala, sinabi ni Philippine National Police Region 8 police chief Police Brigadier General Reynaldo Pawid na ang pinaigting na operasyon at paghikayat ng pamilya ni Elbano ang dahilan ng pagsuko nito. RNT/SA