Home NATIONWIDE MWOs sa Taiwan isinailaim sa high alert kasunod ng 2 lindol

MWOs sa Taiwan isinailaim sa high alert kasunod ng 2 lindol

MANILA, Philippines- Inilagay na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kanilang Migrant Workers Offices (MWOs) sa Taiwan sa high alert kasunod ng dalawang magnitude 5.9 na lindol na yumanig sa isla ng ilang minuto nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa DMW, walang ulat na injuries sa overseas Filipino workers (OFWs), ngunit inaabot na ng MWOs sa Taipei, Taichung, at Kaohsiung ang Filipino leaders, communities, employers, at trade associations upang matiyak ang katayuan ng mga OFW.

Nakikipagtulungan ang MWOs at Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) Offices sa Manila Economic and Cultural Office (MECO), sa pamumuno ni Chairman Silvestre H. Bello III, para subaybayan ang sitwasyon.

Iniulat ng Taiwan’s Central Weather Administration (CWA) ang unang pagyanig alas-5:45 ng hapon na sinundan ng isa pang pagyanig pagsapit ng aals-5:52 ng hapon.

Niyanig ng mga lindol ang isla simula noong nakaraang buwan.

Ang mga karagdagang update ay ibibigay ng DMW Head Office ngayong Lunes, Mayo 7. Jocelyn Tabangcura-Domenden