Home HOME BANNER STORY Inflation sumampa sa 3.8% noong Abril

Inflation sumampa sa 3.8% noong Abril

MANILA, Philippines- Bumilis pa ang pag-akyat ng consumer prices sa Pilipinas sa ikatlong sunod na buwan noong Abril na lampas sa target range ng pamahalaan na 2.0% hanggang 4.0%, ayon sa datos ng gobyerno na inilabas nitong Martes.

Sa press conference nitong Martes, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang headline inflation — ang bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo — sa 3.8% noong Abril.

Kumpara ito sa 3.7% noong Marso, at sa 6.6% noong Abril 2023. Ito rin ang pinakamabilis mula sa naitalang 3.9% noong Disyembre 2023.

Kasunod ito ng pagkakatukoy sa inflation bilang most urgent national concern para sa mayorya ng adult Filipinos sa unang quarter ng 2024, batay sa resulta ng nationwide survey na inilabas noong kalagitnaan ng Abril. RNT/SA