Home METRO Ninong arestado sa panggagahasa sa 12-anyos

Ninong arestado sa panggagahasa sa 12-anyos

MANILA, Philippines- Dinakip ang isang tricycle driver dahil sa umano’y ilang beses na panggagahasa sa 12-anyos na inaanak.

Ayon sa ulat nitong Lunes, ilang ulit na inabuso ng suspek ang menor-de-edad habang nagtatrabaho ang mga magulang nito. Itinago ito ng biktima sa kanyang mga magulang dahil sa takot subalit isiniwalat ang insidente sa kanyang mga kaibigan.

“Twice noong September, nagkaroon siya ng isang chance noong October. Dalawang chance noong December. Matibay ang ebidensya kasi una, minor ito..Base sa story ng bata, nag ko-corroborate sa tunay na nangyari,” wika ni Major Raul Salle, Chief of EPD-DSOU.

Tumanggi namang magbigay ng komento ang suspek.

Ayon sa ina ng biktima, nangangako umano ang suspek na bibigyan ng pagkain ang kanyang anak upang hikayatin itong pumasok sa kwarto kung saan nito isinasagawa ang masamang balak.

“Ang kaso niya is RA 7610, child abuse. Five counts  at may piyansa na P200,000 each so P1 million ang piyansa,” wika ni Salle. RNT/SA