Home METRO Negosyante arestado sa P109M shabu

Negosyante arestado sa P109M shabu

ZAMBOANGA CITY- Shoot sa kulungan ang isang negosyante matapos makuhanan ng P109 milyong  halaga ng shabu sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad noong Sabado sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Alnasher Mudah, 42, at residente ng Barangay Talon-Talon, Zamboanga City.

Sa pinagsamang operasyon Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) CIDG-9, Philippine Drug Enforcement Agency, Zamboanga City Police Office at Police Regional Office (PRO)-Zamboanga Peninsula, bandang alas-6:45 ng gabi nang madakip ang suspek sa kahabaan ng Governor Camins Road, Barangay Canelar ng naturang lungsod.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Jynleo Bautista, CIDG-Zamboanga City officer-in-charge, nakuha kay Mudah ang 16 kilo ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang P108.8 milyon, 16 bigkis ng boodle money, cellphone, illegal drug paraphernalia, at sasakyan.

Nakakulong ngayon sa CIDG detention facility ang suspek at inihanda ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kanya. Mary Anne Sapico