Home ENTERTAINMENT Vin, nahusgahan sa blind item!

Vin, nahusgahan sa blind item!

Manila, Philippines – Common sense na lang, si Sophie Albert pa ba ang magkakanulo sa kanyang sarili?

May ni-repost kasing blind item si Sophie tungkol sa isang celebrity couple na magpapa-annul ng kanilang kasal.

As we all know, legally married ang aktres kay Vin Abrenica.

Dahil sa repost na ‘yon, netizens were quick to assume na sina Sophie at Vin ‘yon.

Worse, hinusgahan agad si Vin even drawing a similarity sa kuya nitong si Aljur.

Kesyo tulad ni Aljur ay manloloko rin pala si Vin na may pinagmanahan.

Natural na umani ng simpatya si Sophie who’s being likened to Aljur’s ex-partner na si Kylie Padilla.

Akalain n’yong six days after ng repost na ‘yon ay nagulat na lang ang mga mapanghusgang netizens sa palitan ng sweet messages nina Sophie at Vin sa isa’t isa.

Nagkataong pumatak ‘yon nitong nakaraang Happy Mother’s Day.

Post ni Vin: “Ikaw talaga ang ilaw ng tahanan. Happy Mother’s Day!”

Kasing-sweet din ang sagot ni Sophie: “I love you both so much!”

Siyempre, ang anak nila ni Vin ang tinutukoy niya.

Doon lang napagtanto ng mga netizens kung gaano sila ka-unfair for jumping into conclusion.

Kesyo sinisi pa ng mga ito ang isang social media platform for the misleading info.

Saka lang nila na-realize na isa nga namang malaking katangahan na isipin na mismong si Sophie pa ang magba-blind item sa kanilang mag-asawa.

Ending: umamin din ang mga netizens na napahiya sila dahil sa kanilang ispekulasyon.

Ang ganda-ganda’t ang ayus-ayos nga naman ng pagsasama nina Sophie at Vin para pag-isipang they’re on the brink of having their marriage annulled. Ronnie Carrasco III