Home NATIONWIDE 94% ng mga Pinoy nagsasabi, korapsyon sa pamahalaan sa Pilipinas laganap na

94% ng mga Pinoy nagsasabi, korapsyon sa pamahalaan sa Pilipinas laganap na

489
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG 94% ng mga Filipino adults ay naniniwala na malaganap ang korapsyon sa gobyerno ng Pilipinas.

Makikita sa lumabas na pinakabagong survey ng Pulse Asia Research Inc., isinagawa noong December 2025, na ang persepsyon ay ibinahagi ng mas nakararaming adults sa iba’t ibang geographic regions at socio-economic classes.

Sa National Capital Region, may 96% ng mga respondents ang nagsabi na malaganap ang korapsyon sa Pilipinas.

Ito ang pananaw ng 93% ng mga respondents sa Balance Luzon, 96% sa Visayas, at 94% sa Mindanao.

Natuklasan pa rin ng Pulse Asia na may 74% ng adults ang naniniwala na tumaas ang korapsyon sa gobyerno ng Pilipinas sa nakalipas na 12 buwan, bagaman ang pigurang ito ay mas mababa kaysa sa 85% na naitala noong September 2025.

At nang tanungin naman kung sumasang-ayon o hindi ang mga ito sa pananaw na ang korapsyon ay normal na bahagi sa Philippine politics, may 43% na respondents ang nagsabi na hindi sila sumasang-ayon habang 41% ang nagpahayag na sila ay sumasang-ayon.

Makikita pa rin sa data ng Pulse Asia na may 58% ng residente mula sa Mindanao at 51 % ang nabibilang sa Class C ang nagpahayag na hindi nila nakikita ang korapsyon bilang normal na bahagi ng Philippine politics, halos mayorya ng mga residente sa Metro Manila (50%) at Visayans (48%) naman ang hindi sigurado.

Sinasabi pa rin na may three-way split sa hanay ng Class E respondents: 39% ang sumasang-ayon na ang korapsyon ay normal na bahagi ng politika ng bansa, 32% ang nag-aalinlangan at 28% naman ang hindi sumasang-ayon.

Sa kapareho pa ring survey, tinanong ng Pulse ang mga respondents kung anong sumusunod na aksyon ang kinokonsidera nilang korap: “pagtanggap o pagbibigay ng suhol, malin paggamit ng public funds, pag-aalok o pagtanggap ng kickbacks, pag-iwas sa buwis, insider trading, nepotismo, at hindi isiniwalat na conflicts of interest.”

“Among these seven options, the majority identified accepting or giving bribes (74 percent), misusing public funds or company resources (66 percent), and offering or receiving kickbacks (64 percent) as corrupt,” ayon sa Pulse Asia.

Sa national level, ang ibang aksyon na nakikita bilang korap ng mga Filipino adults ay kinabibilangan ng “evading taxes or regulatory requirements (42 percent), insider trading or financial fraud (42 percent), nepotism or favoritism in hiring or promotions (39 percent), and failure to disclose conflicts of interest (21 percent),” ayon pa rin sa Pulse.

“Numerically speaking, the non-disclosure of conflicts of interest is the least often mentioned action across areas and classes,” ang sinabi pa rin ng Pulse Asia.

“Between September 2025 and December 2025, the only significant overall changes are the decline in the percentages of those who consider either the non-disclosure of conflicts of interest or insider trading or financial fraud as corrupt acts,” anito pa rin.

Sa kabilang dako, sinabi ng Pulse Asia na ang nasabing survey ay isinagawa mula December 12 hanggang 15, 2025, gamit ang face-to-face interviews. Base ito sa sample ng 1,200 representative adults na may edad na 18 pataas.

Mayroon itong ±2.8 percent error margin na may 95% confidence level, habang ang subnational na tinatantya para sa surveyed geographic areas ay mayroong ±5.7% error margin sa kaparehong confidence level para sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here