Home NATIONWIDE 3 huli sa drug ops sa saradong resort sa Bataan

3 huli sa drug ops sa saradong resort sa Bataan

202
0

BATAAN- Balik-selda ang tatlong drug suspek na kinabibilangan ng dalawang lalaki at isang babae matapos masakote ang mga ito sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa isang saradong resort na ginawa umanong pugad ng mga suspek sa bentahan at pwestuhan sa paggamit ng iligal na droga kamakalawa ng gabi sa Barangay Pagalanggang, Dinalupihan.

Batay sa ulat ni Dinalupihan Municipal Police Station Chief of Police Lt.Col.Marcelino Marcos Teloza Kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina alyas “Dulay”, 31 anyos na target sa operasyon, at mga kasabwat nitong sina alyas “Rey”, 19 anyos at “Ella”, 24 anyos na isa umanong dalagang ina na may dalawang maliliit na anak at pawang mga dati nang nakulong kamakailan at halos kalalaya lamang sa parehong kaso ng ipinagbabawal na droga.

Sa ulat, magkasabwat umano ang dalawa sa mga suspek na nagbenta ng shabu sa undercover police.

Habang sa operasyon naaktuhan umano ng mga pulis ang babaeng suspek na umiskor ng shabu sa target na suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang ilang pakete ng suspected shabu na may timbang ng higit 6 grams at standard drug price na higit P45,000 at 1.4 grams ng pinatuyong dahon ng marijuana at marked money na ginamit sa buybust.

Kalaboso ulit ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa mas pinaigting na batas kontra iligal na droga. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here