Home METRO 97 kilo ng sirang karne, isda nasabat sa Baguio

97 kilo ng sirang karne, isda nasabat sa Baguio

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang 97.13 kilo ng mga sirang karne at isda sa isang talipapa sa Baguio City.

Sa isinagawang spot inspections sa mga barangay ng San Vicente, Kias, Loakan, at Camp 7, nadiskubre ng mga awtoridad ang mga sirang karne at fish products na hindi na pwedeng kainin ng tao dahil sa mishandling.

Agad na itinapon ng Baguio City Veterinary and Agriculture Office ang mga nakumpiskang produkto.

Dagdag pa, kinumpiska rin ng mga awtoridad ang dalawa sa 46 inspected weighing scales dahil sa pagiging depektibo ng mga ito.

Posibleng maharap sa multang hindi bababa sa P100,000 at hindi hihigit sa P1 milyon ang mga lalabag sa Republic Act 9296 o Meat Inspection Code of the Philippines.

Samantala, ang mga madidiskubreng lumalabag sa zoning requirements, shop planning and design, electrical and lighting requirements, sanitation requirements, at solid waste management ay pagmumultahin ng mula P1,000 hanggang P5,000 at mahaharap sa business closure. RNT/JGC