Home NATIONWIDE 6 bagong-silang na sanggol patay sa sunog sa ospitalNATIONWIDETOP STORIESWORLD 6 bagong-silang na sanggol patay sa sunog sa ospitalMay 27, 2024 17:07 FacebookTwitterPinterestWhatsApp INDIA – Patay ang anim na bagong silang na sanggol sa sunog na tumupok sa isang ospital sa New Delhi, India.Sa television footage, makikita ang mga bumbero na sinusubukang apulahin ang sunog na sumiklab nitong gabi ng Sabado, Mayo 25.Ayon sa fire department, anim na mga bata ang nailigtas at dinala sa iba’t ibang ospital, kung saan isa ay naka-ventilator pa.Tumakas naman ang may-ari ng baby hospital.Nangyari ang sunog isang araw matapos naman na masunog ang isang entertainment center sa western state ng Gujarat kung saan 27 ang nasawi. RNT/JGC