MANILA, Philippines- Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang isang panukalang batas na naglalayong baguhin ang limitasyon sa pag-upa ng lupain ng dayuhan mula sa dating 75 taon tungo sa 99 taon.
Base sa records ng Senado, nakakuha ang Senate Bill No. 2898 o ang proposed Act Liberalizing the Lease of Private Lands by Foreign Investors ng 17 affirmative votes, isang negative vote, at zero abstention.
Layunin ng panukala na akitin ang dayuhang investors na umupa ng ari-arian maliban lamang kung ipinagbabawal ng kontrata.
Papalitan nito ang 31-taong Foreign Investors Act.
Tumanggi si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros sa panukala kahit tinanggap ang kanyang amendments dahil nangangamba ang ilang agrarian reform communities sa magiging epekto nito sa kanilang lupain.
“Our partners have flagged that the impact of this measure to smallholder farmers, despite safeguards, would be disastrous,” ayon kay Hontiveros sa pagpapaliwanag ng kanyang boto.
“Sa ngayon po, laging dehado ang mga magsasaka sa mga kontrata kung saan halos singkong duling lang ang nakukuha nila, at palawak nang palawak ang lupang hawak ng mga korporasyon. No, these are not aberrations. These are not isolated cases. These are clear and discernible patterns that have been observed in a national study conducted on agri-business arrangements across the country,” dagdag niya.
Binanggit ni Hontiveros ang ilang posibleng implikasyon ng panukala sa pambansang seguridad na ikinokonsidera ang kasalukuyang ” geopolitical realities.”
“I am aware that investment areas in the foreign investment negative list are exempt from the provisions of this bill, but there are many large tracts of land outside the coverage of the foreign investment negative list that open us to national security vulnerabilities,” aniya.
Binanggit din ng senador ang natuklasan ng ilang miyembro ng intelligence community sa ginanap na Senate hearings sa POGOs na nabulgar na malalaking agricultural lands malapit sa EDCA sites na pinupuntirya ng ilang foreign-looking buyers at sa katimugan ng bansa na sinakop ng ilang dayuhang impluwensya.
“Nag-aalala po ako at what this bill might contribute towards our country’s vulnerabilities,” aniya. Ernie Reyes