Home NATIONWIDE 995 suspek arestado, P123.5-M kontrabando nasamsam ng CIDG nitong Mayo

995 suspek arestado, P123.5-M kontrabando nasamsam ng CIDG nitong Mayo

2
0

MANILA, Philippines — Umabot sa 995 katao ang naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) habang nasa P123.5 milyon namang halaga ng kontrabando at iba pang ebidensya ang nasamsam sa kanilang mga operasyon noong Mayo.

Sa pahayag nitong Huwebes, sinabi ni CIDG chief Major General Robert Morico II na nakatuon ang mga operasyon laban sa mga pekeng produkto, trademark-infringing at substandard goods, gayundin sa petroleum product pilferage, illegal logging, illegal gambling at illegal mining.

Sa kabuuang bilang ng mga naaresto, 605 ang mga wanted person kabilang ang isang National Most Wanted Person, 113 Regional Most Wanted Persons, 118 Provincial Most Wanted Persons, at 86 City o Municipal Most Wanted Persons.

Naaresto rin sa magkakahiwalay na operasyon ang isang lider at siyam na miyembro ng isang “communist terrorist group (CTG).”

Ayon sa CIDG, 870 law enforcement operations ang isinagawa na nagresulta sa pagkakasamsam ng 134 baril, kabilang ang 11 light weapons at 123 small arms, gayundin ang 35 pampasabog.

Nakapagsampa rin ang CIDG ng 112 criminal complaints sa National Prosecution Service.

Sinabi ni Morico na ipinakikita ng mga resulta ng operasyon ang patuloy na kampanya ng CIDG laban sa kriminalidad at pinaigting na pagtugis sa mga wanted person sa buong bansa.

“The CIDG’s focus goes beyond making arrests, accounting unlicensed firearms, and confiscating illicit items,” ani Morico.

“The Unit is dedicated to conducting a circumspect detection, circumspect investigation, and case buildup, to ensure the filing of airtight complaints that can stand a leg in court,” dagdag niya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here