MANILA, Philippines Ipinagbawal ng Barangay Matandang Balara (Old Balara) sa Quezon City ang pagbebenta, pamamahagi, pag-aari at aktwal na paglalaro ng lato-lato.
Nitong Huwebes, sinimulan ng mga awtoridad na kumpiskahin ang sikat na “lato-lato” na laruan sa lugar matapos maglabas ng executive order si Barangay Matandang Balara Chairman Allan Franza hinggil sa usapin.
Bago ito, una nilang pinaalalahanan ang mga residente ng pagsunod sa Executive Order No. 4, na nilagdaan noong Hunyo 27.
Nauna nang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na dapat itigil ang pagbebenta ng sikat na laruan dahil wala pa itong nakuhang kaukulang dokumentasyon mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Isinaalang-alang din ng Old Balara EO ang advisory ng FDA sa posibleng epekto ng laruan sa kalusugan ng mga bata.
Lahat ng mga retail store sa lugar ay pinagsasabihan sa pagbebenta ng lato-lato at lahat ng mga residente ng barangay at/o mga tao sa loob ng Old Balara ay ipinagbabawal na magkaroon at maglaro ng lato-lato.
Karamihan sa mga bata ay kusang isinuko ang kanilang lato-lato.
Ni-raid din ang mga tindahan, at binigyan ng notice of violation ang mga tindahang nahuling nagbebenta ng lato lato.
Ang mga nakumpiskang laruan ay dadalhin sa material recovery facility ng barangay para i-recycle. RNT