Home ENTERTAINMENT Makati cop sinupalpal ni Idol; Awra pinagtanggol

Makati cop sinupalpal ni Idol; Awra pinagtanggol

Manila, Philippines – Kinausap ni Senator Raffy Tulfo ang ilang tauhan ng Makati Police Station sa status ng kaso ng aktor na si Awra Briguela na as of this writing ay naka-detain matapos masangkot sa isang rambol sa Poblacion, Makati.

Through Sen Idol’s programan Wanted Sa Radyo ng Radyo Singko ay nakausap ng senador ang Chief of Police ng Makati City na si Col. Edward Cutiyog.

Idol understands na trabaho ng pulis ang panatilihin ang katahimikan sa lugar at arestuhin ang mga taong sangkot sa rambol

kaya tinanong nito ang pulis kung kasama ba sa kanilang mga inaresto ang mga kalalakihan na nang-harass diumano sa mga kaibigan ni Awra.

Sabi ng pulis, wala raw silang natanggap na reklamo sa diumano’y naganap na panghihipo.

Based from their investigation ay nagsasayawan daw sa loob ng bar ang dalawang kampo.

“Noong medyo nakainom na itong si Awra, pinuntahan itong victim at pinipilit itong hubaran para matignan ang katawan. Noong nasa harap na sila ng establishment bar na iyon ay sinundan sila ng grupo led by Awra and then pinagpupunit ang kanilang damit.

“And then sinira niya, and then nahulog, and then pinagtatadyakan ng ibang kasamahan. ‘Yun po ang nangyari,” sabi ng pulis.

Tinanong naman ni Tulfo kung ano ang dahilan kung bakit magiging agresibo si Awra para paghubarin ang isang lalaki.

“E alam mo naman, si Awra is gay. Gusto niyang makita ‘yung magandang katawan.”

Very obvious na hindi nagustuhan ng senador ang sagot ng pulis at agad itong kinontra.

“Ay hindi , sir. Mali ka dyan, sir. Huwag, sir. Huwag ganoon. Palibhasa gay, gusto makita agad ang katawan ng isang lalaki?” sabi ni Tulfo.

Dagdag pa niya, “Siguro may pinagmulan ‘yung kaguluhan. Paano n’yo po nalaman na nagsasabi ng totoo itong complainant na pinaghuhubad siya ni Awra?”

Sagot ni Col. Cutiyog, ito raw ang statement ng nagreklamo kay Awra.

“Opo, statement po ng complainant ‘yun, sir. Dapat pakinggan mo rin ang statement ng inirereklamo. Hindi porke may sinabi ang complainant, bible truth agad na tatanggapin n’yo.

“Kasi Sir masama ‘yun. Para bang gustong hubaran itong si lalaki at noong ayaw magpahubad kinalmot nya. Parang hindi po kapani-paniwala,” sabi ni Tulfo.

Sinabi naman ni Col na ibinase nila sa statement ng complainant ang imbestigasyon na kinontra ng senador at dapat daw ay hiningi rin ang pahayag ni Awra dahil parehas silang sangkot sa gulong nangyari.

At dapat ay arestado rin ang complainant.

Sabi pa ng pulis kay Tulfo, wala naman daw nag-complain sa kampo ni Awra kaya hindi nakakulong ang mga lalaki.

Sabi pa ni Sen Raffy, “let the fiscal decide kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo base sa mga impormasyon na makakalap ng korte.

Dagdag pa niya, “Kasi parang dini-discriminate n’yo. Palibhasa gay agad agad magre-request sa macho na maghubad at noong hindi pumayag na maghubad ang macho, kakamlutin. Parang discrimination maman yan sa LGBTQ community.” Joey Sarmiento