Home METRO Ospital para sa mga bata, kababaihan itatayo sa P’que

Ospital para sa mga bata, kababaihan itatayo sa P’que

497
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang simulan ng lokal na pamahalaan ng Paranaque ang pagtatayo ng isang ospital sa lungsod para sa mga bata at kababaihan matapos isagawa ang groundbreaking ceremony nitong Biyernes (Hunyo 30).

Pinangunahan ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez ang pagsasagawa ng groundbreaking ceremony para sa konstruksyon ng Women and Children’s Hospital (WCH) kabilang sina Congressman Edwin Olivarez, OsPar-1 medical director, Dr. Jefferson Pagsisihan at Councilor Pablo Olivarez.

Ayon kay Olivarez, ang pitong-palapag na WCH na pinondohan ng lokal na pamahalaan ng P149-milyon ay itatayo sa tabi ng Ospital ng Parañaque (OsPar)-1 na matatagpuan sa Barangay La Huerta.

Sinabi ni Olivarez na isa ring registered nurse na ang konstruksyon ng WCH ay bahagi ng aksyon ng lokal na pamahalaan upang mas mapabuti pa ang serbisyong pangkalusugan ng mga residente ng lungsod.

Ang WCH ay mayroong sariling delivery room, operating room, neonatal intensive care unit gayundin ng pediatric at maternity wards.

Kabilang sa pagtatayo ng WCH ay ang pagtatayo ng tulay na kumokonekta sa OsPar-1 upang mas mapadali at mapabilis ang paglilipat ng mga pasyente sa bawat ospital.

Magdadagdag din ang lokal na pamahalaan ng 50 kama na sa kasalukuyan ay mayroong lamang na 83 kama upang mas marami pa ang kapasidad na mabibigyan ng serbisyo nabanggit na ospital.

Ang pagtatayo ng pitong-palapag na ospital ay ang ikalawa sa bansa na tumatanggap lamang ng mga bata at kababaihan.

Dagdag pa ni Olivarez na bukod pa sa pagtatayo ng ospital para sa kanyang mga konstituwente ay may plano rin ang lokal na pamahalaan na magrayo ng sariling heart center at oncology center upang mas matugunan pa ang pangangailangan ng mga residente na nakararanas ng sakit sa puso gayundin sa mga pasyente na mayroong kanser. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here