SISIGURADUHIN ng kinatawan ng lungsod ng Navotas na “TOBY-Continued” pa nitong paiigtingin ang kanyang paglilingkod para sa patuloy na pag-angat ng Navotas, buhay ng bawat Navoteño at sambayanang Pilipino.
Sa 96 na House Bills, limang resolutions at dalawang House Bills ang matagumpay na naisabatas ni Congressman Toby Tiangco at isa mga ito ang Republic Act 11934 o “Sim Registration Act” na naging malaking bagay at tulong na nakapagpababa ng mga insidente ng text scams.
Si Tiangco rin ang pangunahing may-akda ng House Bill 03381 na naglalayong magpatupad ng libreng taunang medical check-ups sa mga Pilipino at kung maisasabatas ito ay maaaring maging daan para maagapan ang mga sakit nang hindi na lumala pa at makakatulong rin sa mga Pilipino na hindi nagpapatingin sa doktor dahil kakulangan sa pera.
Si Congressman Tiangco ang isa sa mga nag-akda ng House Bill 07327 o “Institutionalizing the Transition of the Government to E-Governance in the Digital Age”, at House Bill 07325 o “The Magna Carta of Filipino Seafarers”.
Kasama sa isusulong ng kongresista ang House Bill 02924 o “Additional Benefits to Filipino Centenarians, Recognizing Octogenarians and Nonagenarians”, at kung magiging batas ay magdudulot ito ng karagdagang benepisyo sa ating mga Senior Citizens gaya ng P25,000 sa mga edad 80, 85, 90 at 95 years old, P100,000 sa 100 years old at 1 million pesos sa mga aabot ng 101 years old.
Ipinaglaban din ni Congressman Tiangco ang pondo para sa mga serbisyong publiko at patuloy na pag-angat ng Navotas at mga Navoteño gaya ng “Assistance to Individuals in Crisis Situations” o AICS sa pakikipagtulungan sa DSWD at sa pamahalaang lokal ng Navotas at 8,914 benipisyaryo ang tumanggap ng kabuuang halagang P40,820,000.
Taong 2022 buwan ng Hulyo hanggang Disyembre 964 na indibidwal ang nabigyan ng emergency employment buhat sa pondo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating mga Disadvantaged/Workers habang sa taong ito mula Enero hanggang Hunyo karagdagang 4,825 pa ang nabigyan ng trabaho.
Trinabaho rin ni Cong. Tiangco ang patuloy na pagpondo sa mga proyektong sinimulan ng dating Congressman at kasalukuyang alkalde ng lungsod na si Mayor John Rey Tiangco gaya ng Navotas Convention Center na inaasahang maging bulwagan para sa malalaking events sa lungsod na makapaghahatid ng oportunidad para sa trabaho at negosyo.
Kasama rin sa modernisasyon ng Navotas Polytechnic College para mabigyan ng mas magandang edukasyon ang kabataang Navoteño, mga multi-purpose buildings na may basketball court at mga school buildings ang naging prayoridad ni Cong. Tiangco at Mayor Tiangco.
Isa sa patuloy at maayos na proyekto ni Congressman Toby Tiangco ay ang pagkontrol sa baha at ang pondo sa nasabing proyekto ay tuluy-tuloy para sa improvements ng flood control systems sa lungsod habang nakapagpatayo pa ng karagdagang 17 pumping stations sa iba’t-ibang bahagi ng Navotas.
Kabilang si Cong. Tiangco sa Top Performing Representatives sa buong Pilipinas base sa Job Performance Survey ng RP-Mission and Development Foundation.
“Ang tangi kong maisusukli sa pinagkaloob na tiwala at suporta sa akin nang aking mga nasasakupan ay ang tapat at maayos na serbisyo upang ang pag-angat ng lungsod ng Navotas at mga Navoteño ay maging maayos,” ani Cong. Tiangco.(R.A Marquez)