Home HOME BANNER STORY Architecture student, ginahasa saka pinatay ng kawatan

Architecture student, ginahasa saka pinatay ng kawatan

OCCIDENTAL MINDORO-NAGSASAGAWA na ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad para sa pagkakakilanlan at agaran ikadarakip sa suspek na gumahasa at pumaslang sa babaeng architecture student, noong Biyernes sa lalawigan ito.

Walang saplot ng matagpuan sa loob ng kanyang inuupahang apartment sa Barangay 7, ang biktimang si Eden Villacete, 21, 4th year architecture student sa Occidental Mindoro State College (OMSC).

Ayon sa mga magulang ng biktima, nagtataka sila kung bakit hindi ito sumasagot sa kanilang tawag text kaya pinuntahan na nila ito sa tinutuluyang apartment, subalit laking gulat na lamang nila ng tumambad sa kanilang harapan ang patay at hubot-hubad nilang anak.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng San Jose Municipal Police Station, nakitaan ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na posibleng ginahasa rin ito bago patayin.

Nadiskubre rin ng mga awtoridad ang kutsilyo na hinihinalang ginagamit sa krimen at nawawala rin ang cellphone at laptop ng biktima.

Samantala, naglaan na rin ng P500,000.00 pabuya ang mga opisyal ng naturang lalawigan at mga concerned citizen sa sinuman makapagtuturo o makahuli sa suspek./Mary Anne Sapico

Previous articlePag-angat ng mga Navoteño prayoridad ni Cong. Tiangco
Next articleLalaki pinagbabaril habang natutulog