Home METRO Lalaki pinagbabaril habang natutulog

Lalaki pinagbabaril habang natutulog

Patay ang isang lalaki matapos barilin ng riding in tandem sa kahabaan ng Rizal Avenue sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Rudolfo Cadag, 30,scavenger, residente sa 1580 Old Antipolo St., Sta.Cruz, Maynila

Sa salaysay ng testigong si Maria Ellena,habang nakaupo ito sa tapat ng kanyang tindahan alas 11 ng umaga , Isang kulay itim na motorsiklo ang huminto sa bangketa sakay ang dalawang hindi nakilalang suspek kung saan natutulog ang biktima at kanyang pamilya.

Ilang sandali pa ay nakarinig na ito ng putok ng baril at napansin na duguan na ang natutulog na biktima.

Matapos ang pamamaril tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng southbound ng Rizal Avenue.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril sa biktima.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)