MANILA, Philippines- Nababahala ang mga mambabatas mula sa Makabayan bloc ana makaaapekto ang price cap sa presyo kada kilo ng bigas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa small retailers na walang kontrol sa presyo ng bigas na binibili nila.
Sa briefing ng Makabayan bloc nitong Biyernes, sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na posibleng ang Executive Order No. 39 na nilagdaan ni Marcos ay aksyon upang matigil ang pagkadismaya ng publiko sa pangako ni Marcos noong kanyang kampanyan na ibababa ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo.
“Ito po ay desperate move to quell the people’s mounting frustration over his failure to deliver his campaign promise. Kasi ang sinabi nya, P20 per kilo ng bigas,” ani Brosas.
“It will primarily hurt small retailers who are merely at the receiving end of rice and farm gate prices due to costlier production inputs, but may do very little to curb hoarding and price manipulation by rice importers and syndicates,” dagdag niya.
Iminungkahi ng Gabriela lawmaker na sa halip na magpataw ng price ceiling, dapat ipanawagan ni Marcos ang suspensyon ng Rice Liberalization Law at bigyan ang local farmers ng subsidiya upang mapalakas ang produksyon at kalaunan ay maparami ang suplay.
Brosas said that while the government should bust cartels, lessening the importation of rice can be a deterrent to hoarding since imported grains are usually the ones being stored in warehouses.
“Higit na kailangan ng intervention sa cartel ng bigas sa bansa na pangunahing nakikinabang sa importasyon at mataas na presyo ng bigas. Dapat na matigil ang pagsandig ng bansa sa imported na bigas lalo pa at papataas ang presyo ng bigas sa pandaigdigang antas at nanalasa ang isang global food crisis,” giit pa niya.
Samantala, sumang-ayon naman si ACT Teachers party-list Rep. France Castro na tila nais lamang ng administrayon na maibsan ang galit ng mga tao sa pagtaas ng presyo ng bigas.
“Parang nagpapabango lang ang Pangulong Marcos dito sa EO 39 dahil wala, matagal na talagang kailangan na kinilusan talaga ng administrasyong Marcos itong patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas. So siguro gusto nya lang ma-ampat yung pag-aalburuto na ng taong bayan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas at iba pang mga bilihin,” pahayag niya.
Nilagdaan ang EO No. 39 ni Marcos nitong Huwebes, na nagtatakda ng price ceiling sa bigas sa P41 hanggang P45 kada kilo. RNT/SA