Home NATIONWIDE ‘Ang healthcare ay karapatan ng bawat Pilipino’ — Bong Go

‘Ang healthcare ay karapatan ng bawat Pilipino’ — Bong Go

MANILA, Philippines- Ilang barangay ang matagal nang humaharap sa mga hamon pagdating sa emergency medical services. Ang kawalan nila ng dedikadong ambulansya ay kadalasang humahantong sa pagkaantala sa tulong medikal at inilalagay sa panganib ang buhay ng mga residente.

Dahil dito, gumanap ng mahalagang papel si Senator Christopher “Bong” Go, chair ng Senate committee on health, upang mabigyan ng ambulansya ang Barangay La Huerta sa Parañaque City.

At bilang vice chairperson ng Senate committee on finance, naging instrumento siya sa pag-secure ng kinakailangang pondo para makabili ng ambulansya noong panahon ng Duterte administration.

“Ang ambulansya ay hindi lamang isang sasakyan. Ito’y mahalaga upang makasagip tayo ng mga buhay. Bawat segundo ay mahalaga sa mga emergency, at malaki ang magiging papel ng ambulansyang ito upang matugunan natin ang pangangailangan ng ating mga kababayan,” ayon kay Go.

Maraming benepisyo ang pagkakaroon ng dedikadong ambulansya sa barangay gaya ng mas mabilis na pagtugon sa emergency. Sa isang ambulansya na nakatalaga sa barangay, ang mga medical team ay makareresponde ng mas mabilis sa pasyente at agad na makakukuha ng kinakailangang medikal na atensyon.

Ito ay partikular na mahalaga sa mga kaso ng atake sa puso, stroke, at iba pang emergency na banta sa buhay
Ang bagong ambulansya para sa Barangay La Huerat ay may esensiyal na medical supplies at life-saving equipment, para matiyak na ang pasyente ay maisasalba bago pa makarating sa ospital.

Bukod sa ambulansya, sinuportahan din ni Go ang ilang hakbang sa lungsod upang matiyak ang pag-unlad nito sa gitna ng mga sitwasyon ng krisis. Kabilang sa mga proyekto ay ang rehabilitasyon at pagtatayo ng ilang multipurpose buildings, rehabilitation ng drainage sa Brgy. Don Bosco, at ang pagpapabuti ng Parañaque River Promenade Bridge.

Hinikayat din ni Go ang mga nangangailangan ng pangangalagang medikal na magtungo sa Malasakit Center sa Ospital ng Parañaque.

Ang Malasakit Centers program ay sinimulan ni Go noong 2018 matapos niyang masaksihan ang paghihirap ng mga Pilipinong namumroblema sa kanilang mga gastusin sa pagpapagamot. Ang programa, na na-institutionalize noong 2019 sa ilalim ng Republic Act No. 11463, ay pangunahing iniakda at itinataguyod ni Go.

Mayroon na ngayong 158 Malasakit Centers sa buong bansa na nakatulong na sa mahigit pitong milyong Pilipino, ayon sa DOH. RNT