Home METRO Babaeng pusher timbog sa ₱408K shabu sa Taguig

Babaeng pusher timbog sa ₱408K shabu sa Taguig

430
0

Arestado sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City police ang isang babaeng pusher nitong Setyembre 30 ng madaling araw.

Sa report na isinumite ng Taguig City police kay Southern Police District (SPD) director  P/Brig. Gen. Roderick Mariano ay kinialala ang nadakip na suspect na si Salama Utto y Kanakan.

Ayon kay Mariano, naganap ang pag-aresto kay Utto dakong alas 3:20 ng madaling araw sa Francis St., Brgy. Central Signal, Taguig City.

Bago pa man madakip si Utto ay nakatanggap ng impormasyon ang SDEU tungkol sa illegal na aktibidad ng suspect at makaraang magpositibo sa ikinasang surveillance laban sa suspect ay agad na nagkasa ng operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Nakumpiska sa posesyon ni Utto ay ang 13 heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 60 gramo na nagkakahalaga ng ₱408,000.00 at ang ₱500 na ginamit sa operasyon bilang buy-bust money.

Ang narekober na shabu na gagamiting ebidensya laban kay Utto ay dinala sa SPD Forensic unit para sumailalim sa chemical analysis.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A. 9165 si Utto na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Taguig City police. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here