Home NATIONWIDE 68 biktima ng recruitment scam sa Italya, tututukan ni Remulla

68 biktima ng recruitment scam sa Italya, tututukan ni Remulla

MANILA, Philippines – Nangako si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na personal nitong tututukan ang reklamo ng 68 biktima ng recruitment scam sa Italy.

Sinabi ni Remulla na hinihintay na lamang nila ang
ilalabas na endorsement mula sa Department of Migrant Workers.

Tiniyak ng kalihim na mapapanagot sa batas ang inaakusahan na recruiter na sina Krizelle Respicio at Frederick Dutaro na tumangay umano sa aabot sa P119 million mula sa mga biktima.

Pinakilos na ng kalihim ang National Bureau of Investigation at National Prosecution Service para hanapin sina Respicio at Dutaro na sinasabing nasa Pilipinas na para makaiwas sa mga pinoy sa Italya na tumutugis sa kanila upang makuha ang pera na kanilang naibigay kapalit ng pangakong trabaho sa nabangit na bansa.

Hiniling na ni Remulla sa mga complainant na magsumite ng affidavits sa DoJ upang maiplantsa ang kaso. Teresa Tavares