Home NATIONWIDE Padilla, Remulla nagkagirian sa Senado

Padilla, Remulla nagkagirian sa Senado

1
0

MANILA, Philippines – Muntik nang “sumiklab” ang panibagong tensiyon sa Senado nang biglang nakabanggaan sina Senador Robin Padilla at Interior and Local Government Secretaryu Jonvic Remulla sa Senado habang paparating ang 18 ex-Marines na tetestigo sa isasagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Huwebes, Hunyo 4.

Nagkaroon ng girian nang magkasalubong sina Padilla kasama si Senador Pia Cayetano na sumundo sa 18 dating Marines sa lobby ng Senado na tila ayaw papasukin ng ilang empleyado ng Senado.

Personal na sinundo ni Padilla ang 18 dating sundalo sa pasukan ng Senado dahil ideneklara ni acting Senate President Pro-Tempore Sherwin Gatchalian na walang opisyal na pagdinig ngayong Huwebes.

Sa kabila dito, itinuloy din ng kampo ni Pia kasama sina Senate President Alan Peter Cayetano, Senador Rodante Marcoleta at Imee Marcos ang pagdinig.

Habang pagpasok ang 18 dating sundalo, nakasalubong nila si Remulla na palabas ng gusali bago sumapit ng elevator.

Hindi malinaw kung talagang hinaharang umano ni Remulla ang 18 dating sundalo na makapasok at makarating sa loob ng session hall kung saan isinagawa ang pagdinig.

Nadinig si Remulla na nagsalita ng “sir nang makasalubong si Padilla saka itinulak ang kalihim.

Naunang kinansela ni Gatchalian ang lahat ng pagdinig sa Senado kabilang ang sub-committee hearing ni Marcoleta hinggil sa 18 dating sundalo, ngunit itinuloy din dahil itinalaga si Senador Erwin Tulfo bilang bagong chairman ng Blue Ribbon Committee.

Iginiit din ni Senate President Cayetano na siya ang lehitimo, legal at moral na lider ng Mataas na Kapulungan na nakatakda sa ilalim ng 1987 Constitution dahil walang 13 ang miyembro ni Gatchalian upang palitan siya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here