Home METRO 6 Chinese nationals na dinukot, tinutunton ng PNP

6 Chinese nationals na dinukot, tinutunton ng PNP

181
0

MANILA, Philippines – Tinutunton na ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng anim na Chinese national na dinukot sa Metro Manila ngayong linggo.

Ayon kay Police anti-kidnapping chief Cosme Abrenica nitong Huwebes, Nobyembre 2, iniimbestigahan na nila ang insidente ng pagdukot sa siyam na katao noong Lunes.

Anim sa mga biktima ay Chinese national na nawawala pa rin hanggang sa ngayon, habang ang tatlo pang biktima na Filipino ay pinakawalan ilang sandali matapos silang dukutin.

“We have no information if it’s kidnap-for-ransom, kidnapping or what the motive is. We haven’t established it yet,” ani Abrenica.

Hindi na ibinigay ng opisyal ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Sinabi naman ni Philip Aguilar, police chief ng Calauan, Laguna, kung saan natagpuan ang mga biktimang Filipino, na pwersahang pumasok sa kanilang bahay ang mga kidnappers madaling araw ng Lunes.

Wala pang tugon ang Chinese Embassy kaugnay ng insidenteng ito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here