Home NATIONWIDE Bus sa Pakistan pinaulanan ng bala, 8 patay

Bus sa Pakistan pinaulanan ng bala, 8 patay

166
0

PAKISTAN – Walong pasahero ng bus ang pinagbabaril-patay sa Chilas, northern Pakisan nitong Sabado, Disyembre 2.

Kasabay nito, 15 naman ang napaulat na nasaktan.

Ayon kay Muhammad Ali Johar, tagapagsalita para sa regional government, pinaputukan ng mga militante ang isang bus sa naturang lugar.

Hindi pa inaako ng kahit anong grupo ang nangyaring pag-atake at hindi pa malinaw kung ano ang motibo ng pamamaril.

Ang Chilas ay matatagpuan sa bulubunduking rehiyon ng Gilgit Baltistan, malapit sa probinsya ng Khyber Pakhtunkhwa.

Sa mga nakalipas na buwan ay naitala ang iba’t ibang insidente ng pag-atake sa naturang lugar, kung saan ang ilan ay inako ng Pakistani Taliban, o Tehreek-e-Taliban Pakistan (TTP). RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here