Home NATIONWIDE Mga sasakyang pandagat inalerto ng PCG sa M-7.4 na lindol

Mga sasakyang pandagat inalerto ng PCG sa M-7.4 na lindol

MANILA, Philippines – Dahil sa magnitude 7.4 na lindol sa Surigao na napaulat na nagresulta sa paghina ng lebel ng dagat doon, inilagay ng Philippine Caost Guard sa alert status ang lahat ng mga sasakyang pandagat at sasakyang panghinappawid nito upang maging handa para sa pagpapadala sa signal.

Gayundin ang lahat ng katabing PCG District ay inatasan na agad na tumulong sa kinauukulang PCG District (Northeastern Mindanao) .

Ayon kay CG Admiral Ronnie Gil Gavan, bilang suporta na rin ito sa pambansang aksyon sa nangyaring malakas na pagyanig .

“The Coast Guard District Northeastern Mindanao and Coast Guard District Southeastern Mindanao have been directed to implement the Final Tsunami Advisory issued by DOST-PHIVOLCS with due regard to existing policies, rules, and procedures to ensure safety.

“The response support alert I issued to the Coast Guard District Northern Mindanao, Coast Guard District BARMM, Coast Guard District Central Visayas, and Coast Guard Aviation Force remains in effect to ensure PCG’s timely support to the NDRRMC actions until advised accordingly.” ayon pa kay Commandant Gavan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBus sa Pakistan pinaulanan ng bala, 8 patay
Next articleBook publishing law, rerepasuhin sa Senado