Home HOME BANNER STORY MSU bombing kinondena ni PBBM, nangako ng hustisya sa mga biktima

MSU bombing kinondena ni PBBM, nangako ng hustisya sa mga biktima

152
0

MANILA, Philippines – Mariing kinondena ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City nitong Linggo, Disyembre 3 na nagresulta sa pagkasawi ng mga sibilyan.

Sa pahayag, iginiit ng Pangulo na “extremists who wield violence against the innocent will always be regarded as enemies to our society.”

“I condemn in the strongest possible terms the senseless and most heinous acts perpetrated by foreign terrorists upon the Mindanao State University (MSU) and Marawi communities early this Sunday morning,” aniya.

Labing-isang katao ang iniulat na nasswi at marami ang sugatan matapos na pasabugan ang Dimaporo Gymnasium ng MSU Marawi City, nitong Linggo ng umaga ayon sa Philippine Army 1st Infantry Division.

Ang pagsabog ay naganap 7:30 ng umaga habang idinaraos ang isang misa na dinaluhan ng mga estudyante at mga guro.

Ipinag-utos ni Marcos sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na siguruhin ang kaligtasan ng mga sibilyan.

Nagpakalat na rin ng karagdagang mga sundalo at pulis kaugnay ng insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here