Home NATIONWIDE Pagtigil sa paggamit ng fossil fuels ipinanawagan sa COP28

Pagtigil sa paggamit ng fossil fuels ipinanawagan sa COP28

MANILA, Philippines – Kabi-kabilang bansa ang sumuporta sa panawagan na palakasin ang renewable energy at tigilan na ang paggamit ng fossil fuels, sa nagpapatuloy na COP28 summit.

Nitong Sabado, Disyembre 2, ay nakakuha ng suporta mula sa mahigit 110 bansa ang planong triplehin ang renewable energy capacity ng mundo pagsapit ng 2030.

Anila, ang pagpapalakas sa renewable capacity ay makatutulong sa mga bansa upang iwasan na ang paggamit ng fossil fuels.

“More than 110 countries have joined the pledge already,” ayon kay European Commission President Ursula von der Leyen sa COP28 summit noong Huwebes.

“I call now on all of us to include these targets in the final COP decision.”

Noong mga nakaraang taon ay nagsimula nang umusbong ang clean energy deployments kabilang ang solar at wind power projects.

Sa kabila nito, problema pa rin ang tumataas na presyo ng mga materyales, labor constraints, at supply chain disruptions, kung kaya’t nagkakaroon ng pagkaantala o kanselasyon sa mga proyektong may kaugnayan sa renewable energy.

Para makapasok ang kasunduan sa pinal na UN climate summit decision, kailangan itong sang-ayunan ng halos 200 bansa na kalahok ng summit. RNT/JGC

Previous article11 patay sa pambobomba sa MSU sa Marawi
Next articleMSU bombing kinondena ni PBBM, nangako ng hustisya sa mga biktima