Home METRO Vietnamese national tiklo sa tobats

Vietnamese national tiklo sa tobats

140
0

MANILA, Philippines- Isang Vietnamese national ang dinakip ng mga tauhan ng Station Intelligence Section (SIS) ng Pasay City police dahil sa kasong unjust vexation at illegal possession of prohibited drugs nitong Linggo (Disyembre 3).

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Mario Mayames ang inarestong suspect na si Hoang Van Cuong, 24, delivery rider, at residente ng 2601 Lions Road, Barangay 86, Pasay City.

Sa report na isinumite kay Mayames, naganap ang pag-aresto sa suspect dakong alas-12:15 ng madaling araw sa tapat ng Antel Building, Service Road, Barangay 76, Roxas Boulevard, Pasay City.

Ayon kay Mayames, nauna rito ay nakatanggap ng impormasyon ang SIS mula sa kanilang asset tungkol sa isang suspek na may standing warrant of arrest.

Habang binabaybay ng mga operatiba pabalik sa kanilang istasyon ang kahabaan ng Service Road sa Roxas Boulevard northbound ay muntik nang mabangga ng e-bike na minamaneho ng suspek ang motorsiklo na lulan naman ng isang pulis na kasama sa operasyon.

Makaraan ang insidente ay sinigawan pa ng suspek ang pulis na nakasakay sa motorsiklo, kumuha ng bato at ipinukol kung nasaan ang mga operatiba.

Sa pagkakataong ito ay sinita ng mga operatiba ang suspek at nang kapkapan ito ay nakuha sa kanyang posesyon ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 2.51 gramo na nagkakahalaga ng P17,068 at isa pang plastic sachet na naglalaman naman ng apat na pirasong tabletas.

Sa kasalukuyan ay nakapiit sa custodial facility ng Pasay City police ang suspect habang inihahanda ang pagasasampa ng kasong unjust vexation at RA 9165 laban sa kanya sa Pasay City Prosecutor’s Office. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here