Home METRO Surigao del Sur niyanig ng M-5.7 aftershock

Surigao del Sur niyanig ng M-5.7 aftershock

152
0

MANILA, Philippines- Naiulat nag magnitude 5.7 na lindol sa Cagwait, Surigao del Sur nitong Martes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sinabi ng PHIVOLCS na ito ay isang aftershock mula sa magnitude 6.8 na lindol na tumama sa lalawigan nitong Lunes.

Sa ulat, sinabi ng PHIVOLCS na naganap ang lindol ng alas-08:34 ng umaga, tectonic ang origin, at mayroong depth of focus na 10 kilometro.

Base sa naiulat na intensities, naramdaman ang Intensity IV sa Bayabas, Surigao del Sur, Intensity II sa Tandag City, Surigao del Sur; at Intensity I sa Bislig City sa Surigao del Sur maging sa Cabadbaran City sa Agusan del Norte.

Ayon sa  PHIVOLCS, walang inaasahang pinsala subalit posibleng ang aftershocks.

Nitong Lunes, naiulat ang magnitude 6.8 na lindol sa Cagwait. Hanggang alas-7 ng umaga nitong Martes, 519 aftershocks na ang na-monitor na aabot sa magnitude 5.7 ang lakas.

Sabado ng gabi naman nang niyanig ng magnitude 7.4 na lindol ang Hinatuan sa parehong lalawigan. May kabuuang 2,491 aftershocks na may magnitudes hanggang 6.6 ang naitala. Bineberipika naman ang ulat na mayroong dalawang nasawi. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here