Home ENTERTAINMENT Elijah, nakahanap na ng kapalit ni Miles!

Elijah, nakahanap na ng kapalit ni Miles!

122
0

Manila, Philippines – Parang ang bilis namang maka-move on ni Elijah Canlas mula sa paghihiwalay nila ni Miles Ocampo.

May kapaniwalaan ngang puso rin ang lunas sa sugatang puso.

And if this is the premise, ang balitang bagong pag-ibig ng award-winning actor ang nakahilom ng kanyang sugat from his failed relationship.

Bale ba, nasa showbiz din daw ang sinasabing ipinalit ni Elijah kay Miles.

‘Yun nga lang, the anonymous girl is not as popular as her predecessor.

Hangga’t maaari, Miles refuses to talk about their breakup.

Na-shock nga lang daw ang TV host-actress when Elijah was the first to come out with a confession na wala na sila.

Miles would rather talk about how supportive her parents are of her lalung-lalo na raw ang kanyang ina.

Ramdam daw ni Miles that her mom can feel what she’s dealing with.

Hindi man daw siya mag-open up sa kanyang ina, the latter can sense what she’s going through.

Ginamit ni Miles bilang halimbawa ang biglaang pagte-text sa kanya ng kanyang mother.

Bagama’t nangungumusta, alam daw ni Miles na “palusot” lang ‘yon ng magulang.

Dagdag niya, she and her mom daw need not engage in conversations to keep her (the mom) updated sa kung ano ang nangyayari sa kanya.

It’s the mother instinct daw which prevails along with the assurance na nariyan lang ito to support her in any way she can.

Samantala, “quota” na si Andrea Brillantes na sabit din sa paghihiwalay nina Miles at Elijah.

Elijah and Andrea are cast in Senior High, na siyang pinagbatayan ng tsismis.

Ang haba talaga ng buhok ni Andrea! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here