Home HOME BANNER STORY Nawawalang Piper plane sa Isabela natagpuan na!

Nawawalang Piper plane sa Isabela natagpuan na!

MANILA, Philippines- Natagpuan na ng mga awtoridad ang Piper plane na nawala sa Isabela noong November 30, ayon sa Isabela Provincial Information Office nitong Martes.

“It has been found po. Still waiting for details po from the commander,” pahayag ni Isabela PIO administrative officer Joshua Hapinat.

Sinabi naman ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesperson Eric Apolonio na hinihintay pa ng ahensya ang ulat mula sa mga imbestigasdor.

“May sightings ng crash site at waiting lang sa official initial report ng CAAP from our Aircraft Accident and Inquiry Board investigators on the ground,” wika niya.

Nawala ang aircraft maging ang piloto nito at isang pasahero noong November 30.

Umalis ang Piper PA-32-300 ng Fliteline Airways, na pinangangasiwaan ng Cyclone Airways, sa Cauayan Airport ng alas-9:39 ng umaga at nakatakdang lumapag sa Palanan Airport ngalas-10:23 ng umaga noong November 30. RNT/SA