Home NATIONWIDE Pasok sa Pangil, Laguna sinuspinde sa bomb threat

Pasok sa Pangil, Laguna sinuspinde sa bomb threat

176
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Pangil, Laguna ang pasok sa mga paaralan at transaksyon sa government offices dahil sa umano’y bomb threat.

“Classes in all levels, both private and government schools in the entirety of Pangil, Laguna are hereby suspended due to bomb threat,” saad sa anunsyo ni Mayor Gerald Aritao, nitong Martes, Disyembre 5.

Idineklara rin ni Aritao ang suspensyon ng lahat ng public transactions sa lokal na pamahalaan.

Sa panayam, sinabi ni Corporal Chester Allan Dator, case investigator, na bandang 7:30 ng umaga, isang estudyante ng Pangil Elementary School (PES) ang nakakuha ng papel na may nakasulat na:

“In a few hours, there will be an explosion at PES and some schools within Pangil.”

Agad na ipinaalam sa pulisya ang naturang banta at sinuspinde ng mga awtoridad ang pasok sa paaralan.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang umano’y bomb threat.

Nanawagan naman ang alkalde sa publiko na maging kalmado sa mga ganitong sitwasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here