Home NATIONWIDE De Lima itinalagang Liberal Party spox

De Lima itinalagang Liberal Party spox

MANILA, Philippines – Pinangalanan bilang bagong spokesperson ng Liberal Party (LP) si dating Senador Leila de Lima.

Kamakailan lamang ay matatandaang pinalaya si De Lima matapos magpiyansa sa natitira nitong drug case.

Ang anunsyong ito ni LP President at Albay Representative Edcel Lagman nitong Martes, Disyembre 5, ay nagsabi rin na ang bagong designasyon ay pinagkasunduan sa ginanap na Management Committee meeting ng partido nitong Lunes.

“De Lima has been a long-standing member of the LP, committed to resume her active role in advocating and enhancing the Party’s advocacy on good governance, social justice and liberalism,” ani Lagman.

Nagpasalamat naman si De Lima sa partido sa buong tiwala at kumpiyansa.

“[I am] honored and grateful to be designated as LP spokesperson. Together with the dedicated leadership of Congressman Edcel Lagman as President and [former] Senator [Francis] Kiko Pangilinan as Chairman, I hope to convey our Party’s message of reforms and advocacy on good governance, social justice and civil liberties,” saad sa hiwalay na pahayag ni De Lima.

“Muli, salamat sa patuloy na tiwala ng LP at sa pagkakataong ito. Sama-sama po nating palakasin ang ating boses at paninindigan para sa ating kolektibong adhikain para sa LP at sa minamahal nating bansa, kung saan sa taumbayan nagmumula ang tunay na kapangyarihan. Tuloy ang laban!,” dagdag pa niya.

Bago italaga bilang spokesperson, nagsilbi si De Lima bilang vice president ng LP para sa policy, platform at advocacy. RNT/JGC