MANILA, Philippines – Inihayag ni Senador Cynthia Villar nitong Martes, Disyembre 5 na nagpositibo siya sa COVID-19 noong nakaraang linggo.
“I was positive last Thursday … I’m negative today as per antigen. I’m waiting for the [RT-PCR] result,” saad sa mensahe ni Villar sa mga mamamahayag.
Dumalo naman si Villar sa sesyon ng Senado nitong Lunes sa pamamagitan ng video conferencing.
Noong nakaraang Martes, dumalo pa si Villar sa hapunan na inihanda nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.
Ngayong araw lamang, sinabi rin ng Presidential Communications Office na nagpositibo sa COVID-19 ang Pangulo.
Mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 4, 2023, nakapagtala ang bansa ng 1,340 bagong kaso ng COVID-19, pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng sakit na naitala sa loob ng 19 linggo, ayon sa Department of Health. RNT/JGC