Home NATIONWIDE PAF ‘di makalapit sa bumagsak na eroplano sa kagubatan sa Isabela

PAF ‘di makalapit sa bumagsak na eroplano sa kagubatan sa Isabela

MANILA, Philippines – Natagpuan na ng mga awtoridad ang Piper Cherokee plane sa kagubatan ng Isabela na napaulat na nawawala mula noong Nobyembre 30.

“The Philippine Air Force Sokol helicopter found the Piper plane. However, the chopper cannot get close enough to determine the condition of the occupants,” sinabi ni Incident Management Team spokesperson Joshua Hapinat nitong Martes, Disyembre 5.

Sinabi naman ni Atty. Constante Foronda, incident management team commander, na sila ay “deeply engaged in planning the next move.”

Naghihintay na ng ulat mula sa field ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ang Piper PA-32-300 plane, na pagmamay-ari ng Fliteline Airways at pinatatakbo ng Cyclone Airways, ay umalis ng Cauayan Airport bandang 9:39 ng umaga at inaasahang lalapag sa Palanan Airport ng 10:23 ng umaga noong Nobyembre 30.

Sa kabila nito ay hindi na kailanman dumating ang naturang eroplano.

Sa ngayon ay hindi pa tukoy kung ano ang kalagayan ng piloto ng eroplano na si Captain Levy Abul II at nag-iisang pasahero nito na si Erma Escalante, 43-anyos na barangay health worker sa Palanan. RNT/JGC