Home HOME BANNER STORY Magnitude 7.4 na lindol sumalubong sa Japan sa bagong taon

Magnitude 7.4 na lindol sumalubong sa Japan sa bagong taon

216
0

TOKOYO – Niyanig ng napakalakas na lindol ang central Japan nitong hapon ng unang araw ng bagong taon.

Agad na nagbabala ang pamahalaang Japan ng nasa 5 metrong taas na tsunami subalit hanggang isang metrong taas lang ang alon ang nakita sa mga baybayin ng Ishikawa Prefecture.

Wala pa rin namang napansing nasirang nuclear plant.

Wala pa namang naiuulat na nasawi subalit mayroon nang ilang iniulat na mga gusaling nagiba o nagkabitak-bitak.

Nagkaroon na rin ng maraming aftershock ng lindol kaya hindi muna pinauuwi ang mga residenteng apektado ng sakuna.

Kabilang din sa mga naapektuhan ang Nigata at Toyama Prefecture.

Wala pa namang ulat kung may mga Pilipinong naapektuhan sa lugar.

Sa ngayon, tinatayang may 301,000 Pinoy na naninirahan o nagtatrabaho sa Japan.

Maging ang ilang kalsada ay nagkabitak-bitak din dahil sa lakas ng lindo. Fred Cabalbag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here