Home METRO Klasrum, bahay nasunog sa paputok sa Cebu

Klasrum, bahay nasunog sa paputok sa Cebu

MANILA, Philippines – Rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa Cebu City sa dalawang firecracker-related fire incidents ngayong Bagong Taon.

Ang unang insidente ay naitala sa Pasil Elementary School sa Barangay Pasil bandang 12:35 ng umaga nitong Enero 1, 2024.

Nang dumating ang mga bumbero sa lugar ay kontrolado na ang apoy.

Bahagyang nasunog ang klasrum na may tinatayang pinsala na aabot sa P3,000.

Ayon kay SFO2 Wendel Villanueva, tagapagsalita ng BFP-Cebu City, naniniwala silang ang paputok ang dahilan ng sunog dahil wala namang suplay ng kuryente sa naturang silid-aralan.

Nagdulot ng sunog ang kwitis na tumama sa kisame ng silid.

Pagsapit ng 1:06 ng umaga ng kaparehong araw, rumesponde rin ang mga bumberonsa sunog na naganap sa 27 Red Horse St., Horseshoe Hills Limkaking Subdivision, Barangay Guadalupe sa Cebu City.

Bahagyang nasunog ang bahay sa bumagsak na kwitis sa bubong ng tirahan na pagmamay-ari ni Ed Sherwin Llanes.

Umabot sa P6,000 ang tinatayang halaga ng pinsala sa sunog.

Itinaas sa unang alarma ang sunog na kalaunan ay idineklarang fireout ng 1:19 ng umaga. RNT/JGC

Previous articleBawas-presyo sa produktong petrolyo sa unang linggo ng 2024
Next articleMagnitude 7.4 na lindol sumalubong sa Japan sa bagong taon