Home HOME BANNER STORY Bawas-presyo sa produktong petrolyo sa unang linggo ng 2024

Bawas-presyo sa produktong petrolyo sa unang linggo ng 2024

MANILA, Philippines – Maganda ang salubong ng Bagong Taon sa mga motorista.

Ito ay dahil sa ipatutupad na bawas-presyo sa produktong petrolyo sa unang linggo ng 2024.

Sa magkakahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na magkakaroon ng bawas sa kada litro ng gasolina ng P0.10, diesel sa P0.35, at kerosene ng P1.40.

Magpapatupad din ng kaparehong pagbabago sa presyo ng petrolyo ang Cleanfuel at Petro Gazz.

Iiral ang oil price adjustments alas-6 ng umaga ng Martes, Enero 2, maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng price adjustment ng 12:01 a.m. ng kaparehong araw.

Matatandaan na nagkaroon ng malaking dagdag sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene noong nakaraang linggo. RNT/JGC

Previous articleNCR, Calabarzon binalot ng smog
Next articleKlasrum, bahay nasunog sa paputok sa Cebu