Home METRO Pulis nadamay sa rido, patay!

Pulis nadamay sa rido, patay!

207
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang pulis na nagsilbing escort ng alkalde sa Maguindanao del Norte na mag-aayos sana ng rido nitong Martes ng hapon, Enero 2.

Kinilala ni Colonel Querubin Manalang Jr, city police director, ang napatay na pulis na si Staff Sgt. Zahraman Diocolano, 39, ng Maguindanao Norte Provincial Mobile Force Company (PMFC).

Si Diocolano ay security escort ni Mayor Lester Sinsuat ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte.

Ayon kay dating board member Datu Bimbo Sinsuat, nangyari ang insidente sa isang family gathering sa bahay ni dating Rep. Ronnie Sinsuat sa Rosales Street, para ayusin sana ang isang “rido” sangkot si Mayor Lester at pamilya ng kanyang pumanaw na tiyuhin na si
Datu Jamael Sinsuat.

Sa kabila nito, biglang dumating ang grupo ng mga armadong kalalakihan at pinagbabaril si Diocolano na nasa labas ng compound.

Inaresto ng mga rumespondeng pulis at miyembro ng Philippine Marines ang mga suspek, na natukoy bilang si Army Private 1st Class John Carlo Nocum, 31, miyembro ng 2nd Mechanized Infantry Battalion, at tatlo iba pang armadong indibidwal.

“Overall, ten persons were arrested, and 11 firearms were recovered from them,” sinabi ni Manalang, sabay-sabing inaalam pa ang dahilan sa bakbakan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here