Home NATIONWIDE Gumamit ng solar home systems vs. epekto ng El Niño – ERC

Gumamit ng solar home systems vs. epekto ng El Niño – ERC

140
0

MANILA, Philippines – PINO-PROMOTE ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang paggamit ng solar home systems, bilang bahagi ng pagsisikap na pagaanin ang epekto ng El Niño na maaaring lumala ngayong summer months.

Sinabi ni ERC chairperson Monalisa Dimalanta na ang proseso ng pagkuha ng permit para sa residential installation ng solar panels ay pinadali na.

Tinuran pa ni Dimalanta na partner ng ERC ang local government units (LGUs) sa pagtatatag ng one-stop shop para mas madali sa mga aplikante na makakuha ng permit para sa solar home system.

“Kasi po may permit iyan eh to put up solar home systems – pinapadali po namin ’yung permit, nagpa-partner po kami with the local governments para po mag-establish ng one-stop shop sa mga local government,” anito.

“Those who want to secure permits for the system do not need to go to the ERC office. Instead, the office will go to the local government so the agency could speed up the processing of the permits,” dagdag na pahayag ni Dimalanta.

Sa kabilang dako, kapuwa naman pino-promote ng ERC at Department of Energy (DOE) ang paggamit ng solar home systems bilang isa alternatibong solusyon para basawan ang energy demand sa grid.

Ka-partner naman aniya ng ERC ang Landbank of the Philippines (LBP) para magbigay ng financial aid para sa mga interesado sa pagkakabit ng solar panels at lumikha ng mga programa na tutulong sa mga kooperatiba para sa kahit na anumang problema sa enerhiya na maaaring lumutang sa panahon ng dry season.

“For the summer months din po, last year na na-implement na namin ito together with Landbank, iyong tawag nating Anti-Bill Shock Protection Program,” ani Dimalanta.

“‘Yun pong mga kooperatiba, puwede silang mangutang sa Landbank para po kapag tumaas ‘yung presyo ng kuryente, hindi muna nila sisingilin lahat sa mga consumers nila. ‘Yung Landbank po muna magpupuno noong kakulangan para mabayaran nila ‘yung mga generating plants.”aniya pa rin.

Samantala, sinabi ni Dimalanta na tinitingnan ng ahensiya na makipag-partner sa loan facility ng Pag-IBIG upang hikayatin ang mas maraming sambahayan na magkaroon ng kanilang sailing solar home systems.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here