Home NATIONWIDE PUV modernization probe bukas sa DOTr

PUV modernization probe bukas sa DOTr

114
0

MANILA, Philippines – Bukas ang Department of Transportation (DOTr) sa panawagan para sa congressional inquiry sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sa pakikipag-usap sa mga mamamahayag, sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na maaari nilang iharap sa mga mambabatas ang mga susunod na hakbang ng programa ngayong tapos na ang industriya ng consolidation phase.

“We welcome that. Lalo na, natapos na yung deadline for consolidation. From there, pwede naming pag-usapan ano-ano yung mga ways forward,” saad ni Bautista.

Nauna nang sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na tatawagan niya ang chairman ng House Committee on Transportation na magsagawa ng motu proprio investigation sa mga ulat na “corrupt practices may have tainted the conceptualization and planned implementation” ng nasabing programa.

Ngunit ayon kay Bautista, hindi niya maintindihan ang alegasyon ng korupsyon dahil ang PUVMP ay isang programa na magpapabuti sa mga mananakay.

“Posible yung sinasabi nila doon sa pagbibigay ng prangkisa, siguro. Pero sabi nga namin, automatic na dapat mare-renew yung prangkisa kung naging part sila ng consolidated entities eh, diba? So hindi ko nakikita yung issue about corruption as far as the issuance of the franchise is concerned,” sabi ni Bautista.

Kaugnay nito, hinikayat ni Romualdez ang DOTr na rebyuhin anh programa at lawak ng implimentasyon.

Giit naman ni DOTr Undersecretary TJ Batan na patuloy nila itong giangawa at ipinunto na gumawa na sila ng ilang pagbabago sa implimentasyon ng programa upang tugunan ang mga alalahamin ng jeep hey operators at drivers tulad ng pagtaas sa equity subsidy ng gobyerno para sa pagkuha ng modern jeep ey units at pagpapalawig sa timeframe kung kailan nila maaring i-upgrade ang kanilang units.

“Halimbawa, inakyat natin yung subsidy natin from P80,000 to P160,000 to P280,000. Pangalawa, iniba din natin yung panuntunan sa ilang operator ba ang pwedeng tumakbo sa isang ruta. Dati 1, ngayon pwedeng 2 hanggang 3 operator,” sabi ni Batan.

Dagdag pa ni Batan, maging ang panahon para mah-modsrnize ay iniba rin kung saan noon ay kailangan mag-modernize ng heepney sa loob ng 12 buwan o Isang taon ngunit ngayon ay pinahaba.

Ayon pa kay Bautista, tinitignan na ng DOTr ang 2 Hanggang 3 taon na palugit para mag-modernize ang mga consolidated operators.

Samantala, sinabi ni Bautista na naniniwala siyang magtatagal ang paglipat sa modernong unit.

“Ang kinakatakot ay kailangan mag-operate ka agad ng modern jeepney. Hindi naman e diba? Actually hindi 3 to 5 (years), baka aabutin yan ng mga 5 to 8 years pa siguro. Hindi mo mapipilitan kaagad yung mga luma,” pahayag pa ni Bautista. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here