Home NATIONWIDE Pahalik dinumog ng 10K deboto

Pahalik dinumog ng 10K deboto

Kuha ni Val Leonardo

MANILA, Philippines – Tinatayang nasa mahigit-kumulang 10,000 ang mga deboto na matiyang pumila para makalapit sa imahe ng Poong Itim na Nazareno para sa “Pagpupugay” o tradisyunal na Pahalik bilang bahagi ng Tarslacion sa Enero 9.

Sa survellaince monitoring ng Manila Police District (MPD) tuloy-tuloy ang pagpila ng mga deboto na nagsimula pa ng tanghali ng Sabado .

Pagkatapos ng Misa ng alas 6 ng hapon para sa mga volunteer ay sinimulan na rin magpapasok para sa Pahalik.

Ayon kay MPD Director P/Col.Arnokd Thomas Ibay, bukod sa mga kapulisan ng MPD ay may mga nakatalaga ring mga force multipliers kasama na ang mga Hijos na gumagabay sa mga deboto sa pila hanggang sa Quirino Grandstand.

Sa ngayon ay maayos at walang namomonitor na untoward incidents sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Tatagal ang pahalik hanggang Enero 8 habang ang tradisyunal na Traslacion ay magsisimula agad pagkatapos ng midnight mass at vigil sa Enero 9 o ang mismong araw ng Pista ng Itim na Nazareno.

Pinayuhan din ni Ibay ang mga deboto na mainam na magtungo at pumila sa umaga at gabi upang maiwasan ang init ng araw sa maghapon.

Ipinaalala rin ng opisyal na simula Lunes ay isasara na ang mga kalsada sa mga ruta na daraanan ng Traslacion. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)