Home HOME BANNER STORY Safety tips sa Traslacion 2024, alamin!

Safety tips sa Traslacion 2024, alamin!

MANILA, Philippines – Naglabas ng paalala at safety tips ang Philippine Red Cross (PRC) sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng mga deboto sa Quiapo Church at Quirino Grandstand mula Enero 7 hanggang 9 para sa pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion.

Binigyan-diin ni PRC Chairman and CEO Richard “Dick” Gordon ang kahalagahan ng pagiging mapagbantay, na nagbabala sa publiko tungkol sa mga potensyal na panganib na nauugnay sa malalaking crowd, tulad ng mga stampede at ilang partikular na isyu na may kaugnayan sa kalusugan.

“Millions of Filipino Catholics will brave the massive heat of the sun to participate in the Traslacion. Large crowds and long exposure in the sun may lead to dehydration, hyperthermia, hypoglycemia, and diarrhea. We shared our safety tips on our social media platforms detailing what participants should do and prepare for during the festivities. We are urging everyone to remain vigilant and prioritize their well-being to have a safe and peaceful Traslacion,” sabi ni Chairman Gordon .

Samantala, sinabi ni PRC Secretary-General, Dr. Gwen Pang, na ang organisasyon na mas pinagbuti ng organisasyon ang taunang tulong nito para sa mga deboto ng Itim na Nazareno, na kasama sa paghahanda at pagtugon sa operasyon ng PRC ngayong taon.

Hinihikayat din ang mga buntis ,bata at matatanda na dumalo na lamang ng prusisyon virtually dahil sa nakalipas na mga Traslacion, ang PRC ay maraming natugunan na mga major medical issues tulad ng cardiac arrest at panganganak. Idinagdag pa na maaring tignan ang safety reminders sa www.redcross.org.ph.

Tutulungan din ng PRC ang mga kalahok sa darating na Sinulog Festival sa Cebu at Dinagyang Festival sa Iloilo.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePahalik dinumog ng 10K deboto
Next articleP3.4M droga nasabat sa Caloocan