Home METRO P3.4M droga nasabat sa Caloocan

P3.4M droga nasabat sa Caloocan

MANILA, Philippines – Nasakote ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Aurora ang isang 42-anyos na hinihinalang tulak ng droga sa isang buy-bust operation sa Caloocan City nitong Sabado, Enero 6.

Kinilala naman ng PDEA-Aurora ang suspek na si William Isanan ng Barangay 167, Libos Baesa, Caloocan.

Arestado si Isanan matapos itong magbenta ng 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa isang poseur-buyer sa Barangay 162, Santa Quiteria.

Sinabi ng PDEA-Aurora na si Isanan ay sangkot sa bultong pamamahagi ng shabu sa Caloocan at mga kalapit na bayan sa Bulacan.

Nahaharap si Isana sa mga kasong may kinalaman sa droga. Santi Celario